Where ideas grow
Bertang Kubeta ang tawag sa kanya Tagalinis ng kubeta sa Avenida . - Bitbit ang balde , tabo at eskoba Mahabang patpat at gomang pambomba Chlorox , sabon na powder at bareta Sinimulan ang masayang araw nya Pinuno ng tubig , dram na kalawangin At paraiso ‘y sinimulang linisin. Sa isang partisyon, tumambad sa kanya , Sukang galing sa sikmura ng iba Kanin , isda , manok , kape at gatas Mais , tinapay , kendi at iba pang katas . Si Berta , gamit ang lumang pahayagan Malapot na suka , kanyang pinunasan . Isinunod ang baradong kubeta Nakasusulasok sa ilong at mata . Hawa-hawak ang payat na kahoy Sinundot- sundot ang barang impiyerno ang amoy Ihi at tae , tumilamsik sa kanya Lintik na bara , natunaw din pagdaka . May pumasok na tatlong tao Ang isa’y dumahak ng sandamakmak . Ang isa’y suminga , ibinuga ang berdeng plema Ang isa’y pilit na pinigil ang utot Ngunit sumambulat din angot . Si Bertang Kubeta, sa narinig ay tatawa-tawa ! Ala-una na pala! Tumigil muna itong si Bertang Kubeta Naghugas ng mga kamay , gamit ang sabong bareta Tapos ay pasalampak na umupo sa may pinto At buong sarap na nanilantakan ang munting tanghalian Na kaning tutong , kamatis at tuyo.