Where ideas grow
Dahil hindi ako graduate ng UP, La Salle o Ateneo , Ang sasabihin ko , Wala naman 'yan sa pangalan ng eskwelahan Kundi sa kung ano talaga ang natutunan Dahil wala sa akin ang kagandahan ni Gretchen Barreto Sasabihin kong pinaglalaruan lang nya si Cojuangco Isa siyang malanding kerida na di dapat pamarisan Ng mga kabataan, lalo’t kababaihan . Dahil hindi ako matalino tulad ni Miriam Santiago Sasabihin kong baliw siya at Magaling lang siyang magpatawa Siya’s dapat nasa pelikula at hindi sa pulitika . Dahil hindi ako sikat tulad ni Kris Aquino Sasabihin kong kawawa siya dahil malas siya sa tunay na pagsinta Aanhin nya ang katangyagan at pera ? Dahil hindi ako mayaman tulad ni Henry Sy Sasabihin kong sa diyablo galing ang maraming salapi Sasabihin kong biyaya ang kahirapan At si Henry ay di makapapasok sa kalangitan Dahil wala akong visa papuntang Amerika Sasabihin kong mahal ko ang aking bansa At dito’y maligayang mamumuhay kahit dukha Hindi ipagpapalit sa bansang marangya . Ngunit ,sandali ! Di ba’t halatang- halata ? Inggit ang ugat ng maaanghang kong salita Lahat ng meron sila, ako nama’y wala Nagpupuyos ang damdamin sa buhay kong salat sa biyaya .